-- Advertisements --
Nagpaabot nang pagdarasal si Pope Francis para sa tagumpay sa panunungkulan ni US President Joe Biden.
Sa kaniyang mensahe, asam nito na magkaroon na ng pakikipagmabutihan ng US sa ibang mga bansa.
Lagi aniya itong ipagdarasal para matupad ang nasabing hiling nito.
Magugunitang hindi naging maganda ang relasyon ng Santo Papa sa dating US President Donald Trump kung saan magkakaiba ang kanilang pananaw lalo na sa climate change.