-- Advertisements --

Naihatid na sa kaniyang huling hantungan ang namayapang si Pope Benedict XVI.

Pinangunahan ni Pope Francis ang seremonya na kaniyang pinalitan sa pagiging Santo Papa noong 2013.

Base sa pagtaya ng mga kapulisan na aabot sa 50,000 katao ang dumalo para makipaglibing sa namayapang Santo Papa.

Gaya ng kaniyang hiling noong nabubuhay pa ay ginawang simple lamang ang seremonya sa libing na isinagawa sa ilalim ng St. Peter’s Square.

Nasa 125 cardinals, 200 bishops at 3,700 na pari ang nakilahok sa seremonya.

Inilagay naman sa half-mast ang bandila ng Italy habang mayroong mahigit 1,000 kapulisan ang ipinakalat para magbigay ng seguridad sa mga dumalo sa misa.