Muling itinalaga si Dr. Juan Antonio Perez III bilang Undersecretary ng Commission on Population and Development (POPCOM) kung kayat mananatili ito sa kaniyang posisyon bilang Executive Director ng komisyon para sa panibagong termino.
Nanumpa Si Dr. Perez kay bagong board chairperson DR. Grace Cruz sa University of the Philippines-Population Institute noong nakalipas na Hulyo 1.
Ayon kay Perez, na kaniyang ipagpapatuloy ng walang patid ang implementasyon ng reproductive health at family planning programs sa bansa sa ilalim ng kaniyang liderato.
Ipipresenta din sa Marcos administration ang bagong population policy na nakasentro sa programa na layong mapanatili ang stable na population growth rate at target na gawing single-digit ang population poverty rate at mawaksana ng kagutuman sa household levels.
Unang itinalaga bilang POPCOM Undersecretary si Perez sa bisa ng Executive Order 71 na nilagdaan ni pangulong Rodrigo Duterte noong Disyembre ng taong 2018 at naging POPCOM Executive Director sa loob ng limang taon.