Nakakuha ng temporary restraining order ang pop star na si Billie Eilish laban sa isang lalaki na makailang beses na pumasok sa bahay ng kaniyang magulang sa US.

Nakasaad sa TRO na dapat ay hindi lumapit ng hanggang 183 meters ang suspek na si Prenell Rousseau sa singer at maging sa pamilya nito.

Ayon sa 18-anyos na singer na pitong beses na pumasok sa bahay ng bahay ng kaniyang magulang.

Noong nakaraang linggo ay nagtungo rin ang 24-anyos na si Rousseau sa bahay ng singer.

Kahit na anong gawin nilang pagpapalayas sa suspek ay hindi pa rin ito umalis at dalawang beses na rin itong dinala sa police station.