-- Advertisements --
Nanguna ang rapper na si Kendrick Lamar sa may pinakamaraming nominasyon ng American Music Awards.
Sa gaganaping awards night sa Las Vegas, ngayong Mayo 27 ay mayroong kabuuang 10 nominasyon ito.
Ang mananalo sa nasabing awards ay pinipili sa pamamagitan ng mga boto ng mga fans.
Isa sa matinding katunggali ng rapper ay sina Taylor Swift, Beyonce at Post Malone.
Kasama rin na maglalaban-laban sa Best Artist sina Ariana Grande, Sabrina Carpenter, Chappell Roan, Morgan Wallen, Billie Eilish, Zack Bryan at SZA.
Si Swift ay mayroong kabuuang AMA awards na 40 kung saan ang napiling maging host ngayong taon ay si Jennifer Lopez.