-- Advertisements --

Tinanghal bilang Artist of the Year ng American Music Awards ang K-pop supergroup na BTS.

Sa kaniyang acceptance speech, sinabi ni BTS member na si RM na isang malaking karangalan ang mapili sa nasabing award.

Pinasalamatan nila ang Army fans sa buong mundo na tumatangkilik sa kanila ng mahigit 13 taon.

Unang nakuha ng grupo ang award noong taong 2021.

Bukod pa dito ay tinanghal ang kanta nilang “Swim” bilang Song of the Summer ganun din ang Best Male K-pop Artist.

Ang grupo ay kasalukuyang nagsagawa ng world tour para sa kanilang bagong album na “Arirang”.