Isasagawa na bukas ang pooled testing o group testing sa Cebu city at sisimulan ito sa mga nagtitinda sa Carbon public market dahil ayon sa naitala sa Emergency Operations Center (EOC), dito ang nakitang mas mataas ang transmission ng COVID 19 sa labas.
Nasa 2,000 na mga negosyante doon ang isusuri at kukunan ng samples.
Inaasahang matatapos ang testing sa loob ng 3 araw hanggang Biyernes.
Ayon kay Councilor Joel Garganera, deputy chief implementer of the Operations Emergency Center, habang sinasagawa ang testing ay mananatiling bukas ang merkado.
Ayon rin kay Dr. Mary Jean Loreche, Covid-19 spokesperson and DOH-7 chief pathologist na ang pool ay binubuo ng 5 indibidwal para sa bawat isang sample para mas maraming samples at madaling makita kung sino ang nagpositibo.
Isasagawa nila ang “tandem” mode of testing, pooled testing, rapid antibody test at ang RT-PCR test.
Inaasahang lalabas ang resulta sa loob lamang ng 24 oras at babalik sa pagsusuri ang kung sino mang mag positibo.
Nanawagan rin siya sa ibang LGUs na magpa test din ng boluntaryo at kahit pa man na ma’y bakuna na sa hinaharap, ay di pa rin ito kasiguruhan na wala nang transmission.