-- Advertisements --

Siniguro ni Speakership candidate at Leyte Representative-elect Martin Romualdez kay Pangulong Rodrigo Duterte ang pagkaka-isa ng bawat miyembro ng Kamara para sa pagpasa ng mga priority bills ng Punong Ehekutibo, lalo na ang 2020 national budget at ang para sa “Build, Build, Build” infrastructure program.

Romualdez and President Duterte

Pagtitiyak ito ni Romualdez sa private dinner nila ni Pangulong Duterte ilang sandali matapos na dumalo sa 122nd anniversary ng Presidential Security Group (PSG).

“I told the President that my fellow congressmen, even before Congress opens session on July 22, have begun working on the measures that need to be discussed ASAP,” ani Romualdez.

Dito naikuwento ni Romualdez sa Panguloang idinaos nilang caucus kahapon kung saan ipinangako ng mga kasama niyang kongresista na kanilang isasantabi ang mga issue at usaping political para masuportahan ang legislative agenda ng Duterte administration.

Kanyang nabanggit na rin sa Presidente ang na mas pinaigting pa ng mga mambabatas ang ugnayan kay Finance Sec. Carlos Dominguez III at sa iba pang economic managers upang matiyak ang pagkakapasa ng 2020 national budget.

Titiyakin din daw nilang matatapos ang mga napabilang sa infrastructure programs ng pamahalaan, partikular na ang nasa higit 20 proyekto na inaasahang maisakatuparan bago bumaba sa puwesto si Pangulong Duterte sa 2022.