Tiniyak ni Senate Finance Committee chairman Senator Sonny Angara na kasama sa 2021 national budget ang pondo para sa ibibigay na financial assistance sa mga kawani na nawalan ng trabaho dahil sa COVID-19 pandemic.
Aniya, halos 100 percent ng naunang pondo ang kanilang itinaas para sa budget ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged or Displaced Workers Program (TUPAD) at ng Government Internship Program (GIP).
Dagdag pa nito, ginawa nilang P19.036 billion ang pondo mula sa ipana-panukalang P9.93 billion.
Mahalaga ang TUPAD sapagkat ito ay isang community-based package na nagbibigay tulong sa mga displaced workers; underemployed at seasonal workers.
Habang ang GIP naman ay siyang nagbibigay oportunidad sa mga young worker na magserbisyo sa general public sa pamamagitan ng mga government agencies/entities projects at programs ng national at local level.
Sinabi rin ni Angara na dinadagdagan ng Kongreso ang pondo para sa Adjustment Measures Program (AMP) sa ilalim ng DOLE kung saan mula sa PP391.61 million, ginawa itongh P491.62 million sa final version ng General Appropriations Bill.