-- Advertisements --

Sisimulan na bukas ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) ang inspeksyon sa mga pasilidad na gagamitin ng Comelec para sa darating na halalan.

Ayon kay PPCRV director for voter education Dr. Arwin Serrano sa panayam ng Bombo Radyo, pupuntahan nila ang mga server, warehouse at iba pa.

Layunin nitong masuri ang kahandaan ng komisyon at matulungan sa information drive.

Nabatid na gagamit uli ng mirror server ang poll body, na siya naman maa-access ng PPCRV at Kapisanan ng mga Brodkasters ng Pilipinas (KBP) para sa mabilis na pagsasapubliko ng resulta ng halalan.

Kontento naman ang PPCRV sa pagsisikap ng Comelec na maabot ang mga target schedule para sa election preparation.