-- Advertisements --
ILOILO 6

ILOILO CITY – Makaraan ang ilang taong pananahimik sa pulitika, bumalik upang tumakbo sa pagka-alkalde sa Sara, Iloilo si dating Mayor Neptali “Tali” Salcedo.

Haharapin ni Salcedo si Retired General at incumbent Sara Mayor Jon Onick Aying at si incumbent Vice Mayor Jess Salcedo.

Matandaan na naging mainit ang pangalan ni Salcedo noong 2018 matapos sampahan ng kasong may kaugnayan sa one time big time operation ng PNP sa kanilang bahay.

Kasong illegal possession of firearms and ammunition at illegal possession of explosives ang isinampa noon laban kay Salcedo.

Napag-alaman na dalawa ang patay mula sa pamilya ni Salcedo sa nasabing raid dahil sa sinasabing pagkakaugnay ng kanyang pamilya sa illegal drug trade, gun-for-hire activities, gunrunning, at pag-hire ng private armed groups na nag-ooperate sa northern Iloilo province.