-- Advertisements --

CAUAYAN CITY – Inilatag ni Political Counselor of the British Embassy to the Philippines Iain Cox ang kaniyang mga plano at proyekto kasabay ng kaniyang 2-day official visit sa lalawigan ng Isabela.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Political Counselor of the British Embassy to the Philippines Iain Cox, sinabi niya na isa sa mga programa ng British Embassy ay ang bisitahin ang bawat probinsiya sa Bansa upang makasalamuha ang bawat mamumuno, mamamayan at mga negosyante sa bawat lalawigan.

aniya isang napakagandang karanasan ang makarating sa kauna-unahang beses sa probinsiya ng isabela dahil sa kultura, masasarap na pagkain at sa mainit na pagtanggap ng lalawigan.

Aniya matagal na ang panahong hindi nagkaroon ng pagbisita ang British Embassy sa Lalawigan ng Isabela kaya naman sa pagkakataong ito nais niyang magkaroon ng regular na pagbisita ang embahada sa Lalawigan, lalo na at maraming usapin ang nais nilang masolusyonan partikular sa sektor ng Agrikultura, Disaster Resilience, at Climate Change.

Ayon pa kay Cox may proyektong nakatakdang ipatupad sa lalawigan, kabilang dito ang pinopondohan ng Darwin Initiative of United Kingdom na hango sa pangalan ni Charles Darwin.

layunin nito na suportahan ang conservation methods at isang unibersidad mula sa Lalawigan ang posibleng sumuporta sa proyekto.

Isa rin sa mga proyekto na nabanggit ni Cox ang scholarship program na popondohan ng United Kingdom na hangad na matulungan ang mga pilipinong makapag aral sa kanilang bansa upang mahubog ng mga panibagong lider.

Nagkaroon din sila ng pagpupulong kasama ang mga liga ng Barangay na at lubos niyang hinahangaan ang mga ito dahil sa kanilang mga responsibilidad.