Ni-relieved na sa pwesto ni NCRPO Director PCSupt. Oscar Albayalde ang commander ng Police Station 3 sa may Quiapo area.

Ayon kay Albayalde kahapon ay nagpalabas siya ng direktiba na palitan na sa pwesto si SSupt Santiago Pascual bilang station commander ng station 3.

Pumalit sa pwesto ni Pascual si SSupt. Arnold Thomas Ibay ang station commander ng Police Station 2 na nakakasakop sa area ng Binondo at Divisoria.

Paliwanag ni Albayalde namas kabisado o mas maraming alam si Ibay sa area ng Quiapo kaya mas makakabuting ito ang mamumuno sa lugar.

Nilinaw naman ng heneral na walang kinalaman sa naganap na magkakasunod na pagsabog sa Quiapo ang pagsibak sa pweesto ng station commander ng Quiapo.

Aniya, reshuffle ito na parte lamang ng ipinatutupad na mas mahigpit seguridad sa lugar.