-- Advertisements --
pnp chief azurin

Tuluyan nang sinibak sa serbisyo ni PNP Chief PGEN Rodolfo Azurin Jr. si Police Master SGT. Rodolfo Mayo Jr. na miyembro ng intelligence officer ng PNP-drug enforcement group.

Ito ay may kaugnayan pa rin sa kaniyang pagkakaaresto matapos makuhaan ng 990 kilos ng shabu na may katumbas na halaga na halos PHP7-billion pesos noong Oktubre ng nakalipas na taon.

Ayon kay PNP Spokesperson PCOL Jean Fajardo, dumaan sa tamang proseso ang hatol na ito kay mayo at sa katunayan pa aniya nito ay binigyan din siya ng pagkakataon na makapagsumite ng kaniyang counter-affidavit upang iwaksi ang kaniyang karapatang itanggi ang mga alegasyong ibinabato sa kaniya na nauugnay sa halos isang toneladang shabu na nasabat mula sa kaniyang pangangalaga ngunit hindi niya ito ginawa.

Dahil dito ay walang matatanggap na kahit na anong pribilehiyo si Mayo at gayundin ang kahit na anong retirement benefits.

Sa ngayon ay nananatili pa rin sa kustodiya ng Bureau of Jail Management and Penology sa lungsod ng Taguig habang kasalukuyan pa ring nagpapatuloy ang kaniyang trial sa criminal case na isinampa laban sa kaniya dahil sa paglabag nito sa RA 9165 o ang comprehensive dangerous drugs act.

Kaugnay nito ay umaasa naman si PNP Chief PGEN Azurin Jr. na ito ay magsisilbing babala ito sa iba pang pulis na may ganitong uri ng ilegal na gawain.