-- Advertisements --

Kulong ng isang buwan ang isang police general, colonel at anim na iba pang police personnel matapos ma cite-in-contempt sa pagdinig ng House Committee on Public Order and Safety hinggil sa iligal na pag-aresto, arbitrary detention at pagnanakaw sa apat na Chinese nationals sa Paranaque City nuong nakaraang taon.

Nagalit ang mga mambabatas dahil sa patuloy na pagsisinungaling ng mga police officials.

Dahil dito nag motion si House Deputy Majority Leader Erwin Tulfo na ipa contempt si dating Southern Police District Director PBGen. Roderick Mariano at SPD Comptroller head PCol. Charlie Cabradilla.

Inaprubahan naman nina Rep Dan Fernandez, Antipolo Rep. Romeo Acop, 1-Rider partylist Rep. Bonifacio Bosita at Abang Lingkod partylist Rep, Joseph Stephen Paduano ang mosyon ni Tulfo.

Bukod sa dalawang opisyal,anim na police personnel din ang una ng na contempt.

Sa pahayag ni Rep. Tulfo kaniyang inihayag na very obvious na pinagtakpan si Mariano ng kanilang mga tauhan.

Para sa mga mambabatas tila binabastos na ng mga pulis ang komite sa mga pinaggagawa ng mga ito.