Sumugod si PNP chief police Director General Ronald dela Rosa sa Las Piñas Police Station para komprontahin ang police colonel na adik na si PSupt. Lito Cabamongan.

Si Cabamongan ay naaresto kaninang madaling araw habang nagsasagawa ng pot session kasama ang isang babae.

Ilang beses na napamura si PNP chief ng kausapin nito si Cabamongan na tila bangag at nangangatwiran pa.

Sinabi ni Dela Rosa na patong-patong na kaso ang kahaharapin ng Cabamongan na siyang hepe ng PNP Crime Lab Satellite office sa A
Alabang, Muntinlupa.

Bukod sa kasong paglabag sa section 13,14 ng RA 9165 ay sasampahan rin ng grave misconduct o administrative case ang nasabing police official.

Si Cabamongan ang siyang pinakamataas na opisyal ng PNP na adik.

Umapela naman si Dela Rosa sa publiko na huwag lahatin ang mga opisyal ng PNP na gumagamit ng iligal na droga.