-- Advertisements --
Nagpasya ang Poland na magpadala ng mga fighter jets sa Ukraine.
Ayon kay Polish President Andrzej Duda na ang apat na Mig-29 fighter jet ay maaring ipadala sa Ukraine sa mga susunod na araw.
Ang nasabing hakbang aniya ay dahil sa hiling ng Ukraine sa mga bansa na kung maari ay mabigyan sila ng mga fighter jets para tuluyang mapalayas ang mga puwersa ng Russia sa kanilang lugar.
Umaasa ang mga opisyal ng Ukraine na sumunod ang ibang mga bansa na magpadala ng kani-kanilang mga fighter jets.
Nauna ng nagpadala ang ilang mga bansa ng kanilang mga tangkeng pandigma sa Ukraine.