-- Advertisements --
Inanunsiyo ng Britanya at Poland na magtatayo sila ng dalawang temporaryong barangay sa Ukraine.
Ito ay para mabigyan ng masilungan ang mga Ukrainian na nawalan ng tirahan dahil sa paglusob ng Russia.
Mayroong inilaan kasi na $12.3 milyon na pondo ang London para sa 700 na mga mamamayan ng Ukraine.
Ang dalawang lugar na kanilang napili ay ang Lviv sa western Ukraine at Poltava sa east.
Ang Poland naman ay mayroong $3.1 milyon na inilaan sa Ukrainian Red Cross para magbigay ng suporta sa mga naninirahan sa matinding paglamig.