-- Advertisements --
Plano ng Philippine Olympic Committtee (POC) na magkaroon ng invitation outdoor competition sa bansa.
Sinabi ni POC president Rep. Abraham ‘Bambol’ Tolentino, nakausap na niya si Pinoy pole vaulter Ernest John Obiena kung saan nais nilang imbitahan ang malalaking pangalan sa pole vault sa mundo.
Ilan sa mga pangalan na kanilang iimbitahan ay sina world record holder Mondo Duplantis, world No. 2 Chris Nilsen at 2016 Rio de Janeiro Olympics gold medal winner Thiago Braz.
Sinabi ni Obiena na magiging makasaysayan ang nasabing event kaya isinusulong nito na ito ay matuloy.