-- Advertisements --

All set na raw ang Philippine Olympic Committee (PoC) para sa mga ibibigay na insentibo sa mga atletang Pinoy na sumabak at nakasungkit ng medalya sa katatapos lamang na 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam.

Sinabi ni PoC president Abraham “Bambol” Tolentino na kasunod na rin ito ng Executive Board meeting na isinagawa sa East Ocean Palace Restaurant sa Pasay City.

Una rito, alam na raw ng Pilipinas na idodomina ng Vietnam ang SEA Games pero ginawa pa rin daw ng mga atletang Pinoy ang kanilang makakaya para makasungkit ng medalya.

Maliban pa rito ang limitasyon sa kanilang pagsasanay at paghahanda dahil na rin sa Coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.

Inaasahan namang maglalabas ang Philippine Sports Commission (PSC) ng P18 million para sa cash bonuses ng mga atleta na nasa ilalim ng Republic Act 10699.

“Everyone knew beforehand that Vietnam will relentlessly dominate the games but still, our athletes still held their ground despite limitations in their training and preparations because of the Covid-19 pandemic,” sinabi ni Tolentino sa isang statement.

Umaasa naman si Tolentino na nasa gold medal form pa rin ang mga atleta sa ika-32 edisyon ng SEA Games na gaganapin sa Mayo sa susunod na taon sa Cambodia.

Kung maalala, ang Pilipinas ay nagtapos sa ika-apat na puwesto sa katatapos lamang na SEA Games sa at nakapagbulsa ng 52 gold, 70 silver at 105 bronze medals.

Ito na ang best finish ng bansa na hindi nag-host sa biennial meet.

Kung maalala noong 2019 ay overall champion ang Pilipinas sa SEA Games na isinagawa dito sa bansa.