-- Advertisements --

Posibleng ituring na inspirasyon ng mga atleta ang pagbuo ng Philippine Olympic Committee (POC) ng special trust fund.

Ang special trust fund ay para sa mga atleta na nagwagi ng medalya sa Southeast Asian Games, Asian Games at Olympics.

Sinabi ni POC President Abraham “Bambol” Tolentino, na ilalagay nila sa kanilang trust fund ang natirang P2 milyon mula sa P13 milyon mula sa kanilang principal supporters.
Ito ang kauna-unahang pagkakataon na magkaroon ng unang trust fund ang POC.

Paliwanag pa ni Tolentino na lahat ng mga donasyon mula sa pribadong kumpanya ay otomatikong mapupunta sa incentive trust fund para sa mga atleta.