-- Advertisements --

Nagpulong na ang Philippine Olympic Committee (POC) at Philippine Sports Commission (PSC) para sa paghahanda ng bansa sa pagsabak sa 32nd Southeast Asian Games ngayong taon sa Cambodia.

Pinangunahan ni POC president Rep. Abraham “Bambol” Tolentino at PSC Chairman Richard “Dickie” Bachmann ang pulong para sa paghahanda ng SEA Games na magaganap mula Mayo 5 hanggang 17.

Sa nasabing pulong ay isasapinal nila ang mga atleta na isasabak sa 49 sporting event ng SEA Games.

Isa na rito ang paglalaan ng P250 milyon na budget ng PSC para sa mga sasabak sa Cambodia kung saan mayroong 608 events, 49 sports.