Matapos ang anim na taon, naaresto na ng mga otoridad sa India ang isang notorious poacher o yaong taong iligal na nanghuhuli ng mga wild animals.
Kinilala lamang ang suspek sa pangalang Yarlen, na umano’y nakapatay na ng maraming oso at kinain pa raw ang ari ng mga ito.
Unang naalarma ang pulisya matapos matagpuan sa national park ang mga patay na oso at wala na ang maselang bahagi ng katawan.
“The nomadic Pardhi-Behelia tribe he is part of believe the animal’s penis is an aphrodisiac,” pahayag ni Ritesh Sirothia ng Madhya Pradesh Forest Department.
Ang aphrodisiac ay sinasabing “love drug” na nakakapagpalakas ng sex drive kapag nainom ng sinuman.
Nabatid na gumagamit ng iba’t-ibang identity si Yarlen para makaiwas sa batas.
“We created a special cell to track him down and arrest him. It was our longest chase, it went on for six years,” dagdag ni Sirothia.
Sa ngayon ay nasa kustodiya pa ng mga pulis ang nasabing poacher at hindi pa nagbibigay ng anumang komento.
Suspek na rin siya sa kaso ng trading of endangered wild animals kabilang ang mga tigre sa central at western India. (BBC)