-- Advertisements --
Screenshot 2019 06 27 15 36 38

Inanunsyo ng Philippine National Railways (PNR) na asahan ng mga commuter nito ang pagkaantala sa kanilang mga biyahe mula Alabang hanggang Tutuban at vice versa dahil sa kanilang isinasagawang emergency repairs ng riles.

Sa isang advisory, sinabi ng PNR na ang pagsasaayos ay isinasagawa sa pagitan ng Dela Rosa at FTI Stations.

Giit ng pamunuan na dapat gawin kaagad ang pagsasaayos upang matiyak ang kaligtasan ng mga commuter.

Nangako naman ang PNR na kanilang tatapusin agad ang nasabing pagsasaayos upang mapanumbalik ang normal na operasyon.