Inanunsyo ng Philippine National Railways na magtatalaga ito ng karagdagang tauhan upang matiyak ang kaayusan at maayos na daloy ng mga operasyon nito, lalo na’t papalapit na ang pagdiriwang ng Semana Santa.
Mananatili ang regular na operasyon mula Abril 1 hanggang Abril 5.
Habang sususpindihin ang operasyon nito sa Semana Santa, mula Abril 6 hanggang 9, upang bigyang-daan ang regular na maintenance ng riles.
Ayon sa Philippine National Railways, ang mga regular na operasyon naman ay babalik sa Abril 10.
Itinakda sa Holy Week ang taunang maintenance nito para hindi daw maapektuhan ng suspension of operations ang mga pasahero nito.
Dagdag dito, naglaan sila ng mga help desk sa bawat istasyon nito, habang ang isang nurse na naka-duty ay nakatalaga sa PNR Tutuban Clinic.
Ang mga “track walker” ay inilagay din upang subaybayan ang mga riles upang matiyak na ang mga tren ay makakadaan sa kanila nang ligtas, habang ang mga quick response team ay naka-deploy sa Manila, Laguna, Lucena, at Naga.