-- Advertisements --

Pinawi ng Philippine National Police ang pangamba ng publiko hinggil sa mga ulat ng umano’y bomb threat sa Batasang Pambansa complex sa Quezon City.

Ito ay matapos na itaas sa heightened alert status ang House of Representative makaraang makatanggap ng bomb threat ang ilang mga mambabatas.

Sa isang mensahe ay sinabi ni PNP Public Information Office chief PCol. Jean Fajardo sa Bombo Radyo Philippines na walang natanggap na ulat o anumang uri ng impormasyon ang Quezon City Police District kaugnay sa umano’y bomb threat sa Congress.

Ngunit sa ngayon ay nagpapatuloy pa rin aniya ang pakikipag-ugnayan ng QCPD sa Office of the Sgt & Arms para sa patuloy na monitoring hinggil sa naturang insidente.

Kung maaalala, una nang sinabi ni secretary general Reginald Velasco na agad silang nagsagawa ng “special precautionary measures” matapos na may mamataan na ilang motorsiklong paikot-ikotsa paligid ng Batasang Pambansa complex.