-- Advertisements --

Wala pang namo-monitor na anumang banta ang Philippine National Police (PNP) para sa nakatakdang inagurasyon nina President-elect Bong Bong Marcos at Vice President-elect Sara Duterte-Carpio.

Sa panayam kay PNP Officer-in-Charge Lt Gen Vicente Danao na patuloy ang kanilang paghahanda at latag ng seguridad para sa nalalapit na inagurasyon.

Ito’y para matiyak ang kaligtasan nina Marcos at Duterte gayundin sa mga taong dadalo rito.

Bagaman wala pang namo-monitor na banta, sinabi ni Danao na hindi naman sila magre-relax.

Sa katunayan, pinalakas pa nila ang kanilang intelligence monitoring at pinaigting pa ang seguridad dito sa kalakhang Maynila.

Binigyang-diin ni Danao, nakataas ang kanilang alerto sa anumang uri ng kilos protesta o pagkilos.

Bukod sa mga security forces na magbibigay seguridad, kanila rin idi-deploy ang kanilang CDM unit na tututok doon sa magsasagawa ng kilos protesta.