-- Advertisements --
image 147

Walang natukoy na banta ang Philippine National Police (PNP) kaugnay sa nalalapit na International Basketball Federation (FIBA) Basketball World Cup 2023 na gaganapin sa bansa mula ngayong Agosto hanggang Setyembre.

Ayon kay PNP spokesperson Col. Jean Fajardo, patulo pa rin naman umano angcoordination sa mga counterparts lalong lalo na sa kanilang mga intelligence units para kung may mga impormasyong natatanggap ay vina-validate muna ng PNP.

Nauna rito, sinabi ni PNP chief Gen. Benjamin Acorda Jr. na ang mga katulad na hakbang sa seguridad mula sa 2015 Apec Summit, 2015 Papal Visit, 2017 Asean Summit, at ang 2020 Miss Universe Pageant ay ipatutupad para sa Fiba event.

Ayon kay Acorda, ang Security Task Force (STF) ay inorganisa ng gobyerno bilang pangunahing katawan na mamamahala sa mga operasyong pangseguridad at mga serbisyong pangkaligtasan na may kaugnayan sa publiko sa panahon ng mga palaro.

Nakatakdang mag-host ang Pilipinas ng mga kalahok mula sa Africa, America, Asia-Pacific, Europe.

Humigit-kumulang 3,253 na grupo ng mga manlalaro ng World Cup ang inaasahang sasali sa nasabing kaganapan.

Bagama’t hindi tinukoy ni Fajardo ang bilang ng mga pulis na nakatalaga para sa kaganapan, tiniyak niya na sapat na mga tauhan ng pulisya ang itatalaga upang matiyak ang kaligtasan ng mga kalahok at dadalo sa basketball event.