Iniulat ng Philippine Nation na wala pa silang namomonitor na anumang banta sa seguridad sa bansa ngayong panahon ng Semana Santa.
Ayon kay PNP spokesperson PCol Jean Fajardo, sa ngayon ay wala pang natatanggap na anumang credible o serious threat ang Pambansang Pulisya na may kaugnayan sa obserbasyon ng Holy Week ngayon.
Ngunit nilinaw niya na patuloy ang isinasagawang pakikipag-ugnayan ngayon ng pulisya sa iba pang law enforcement agencies sa bansa upang tiyaking mababantayan at hindi sila malulusutan ng anumang banta sa seguridad.
Aniya, sa ngayon ay naka-full deployment at heightened alert na ang PNP kung saan aabot sa mahigit 77,000 mga police personnel ang ipinakalat sa buong bansa para tiyakin ang public security ngayonh summer holiday season.
Kabilang sa mga ito ay ang 38,387 na mga pulis na idineploy sa mobile at foot patrol, habang 39,504 na mga pulis ang itinalaga sa ilang mga piling lugar na tinukoy ng pulisya bilang areas of convergence kabilang na ang mga transportation hubs, terminals, commercial areas, at bahay sambahan.