(Update) DAGUPAN CITY – Inilabas na ng San Carlos City Police Station ang ilang mga larawan na kuha ng CCTV sa tahanan ng mag-asawang naunang pinatay sa loob ng kanilang bahay sa Brgy. Cobol.

Nakasaad sa Facebook post ng kanilang himpilan ang kanilang panawagan sa publiko na pagbibigay ng impormasyon o pagkakakilanlan ng dalawang kalalakihan na noon ay nakausot pa ng mga helmet nang magtungo sa tahanan ng mag-asawa.

Nanawagan ang tanggapan sa lahat na ipagbigay alam sa himpilan ang impormasyon at ipinangako ang proteksiyon ng kung sinuman ang makapagtuturo ng lugar kung nasaan ang mga suspek.

Una rito ay nag-alok na cash reward o pabuya ang pamilya ng mag-asawang biktima na nagkakahalaga ng P100,000 sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon hinggil sa mga suspek sa krimen.

Noong Pebrero 2 nang matagpuang wala ng buhay ang mag-asawang sina Jessie at Fluerdeliza Martinez sa loob ng kanilang tahanan .

-- Advertisement --

Ilang motibo rin o anggulo ang tinignan dito ng himpilan kabilang na ang posibleng away sa lupa.