Nais nang sampulan ng Philippine National Police (PNP) na sampahan ng kasong paglabag sa Anti-Terror Law of 2020 ang naarestong babaeng Indonesian suicide bomber.
Ayon kay PNP chief Gen. Camilo Cascolan welcome sa kanila ang pag-apruba ng Anti-Terrorism Council sa Implementing Rules and Regulations (IRR) sa kontrobersiyal na batas.
Una nang inihayag ng mga Law enforcement officials na kanilang hihintayin ang IRR para maipatupad ang anti-terror law na walang pagkwestiyon.
Inihayahag ni Cascolan, ngayong mayroon ng IRR, sasampahan ng terrorism charges ang naarestong suicide bomber na si Resky Fantasya Rullie, alyas Cici, nang sa gayon mas mabigat na charges ang kahaharapin nito.
Noong Sabado, naaresto si Rullie kasama ang dalawang babae sa isinagawang operasyon ng PNP at AFP.
Si Rullie ay kasalukuyang nakakulong sa Sulu PNP at limang buwang buntis.
Ibinunyag din ng militar na planong maglunsad ng suicide bombing attacks si Rullie kapag matapos itong manganak.
Napag-alaman na si Rullie ay anak ng mag-asawang Indonesians na nasa likod sa Jolo Cathedral bombing nuong 2019.
Siniguro naman ng PNP na ipapatupad nila ang batas na naaayon sa Implementing Rules and Regulation.