Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) ang kanilang kooperasyon at suporta kay Vice Pres. Leni Robredo ngayong co-chair na ito ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD).
Magsisilbi aniyang inspirasyon ng PNP si VP Robredo sa kampanya kontra droga.
Ayon kay PNP Spokesperson PBGen Bernard Banac, tatalima sila sa kautusan ng pangulo at iginagalang ang desisyon ng Commander in chief na pamunuan ng Vice President ang kampanya kontra droga.
Sinabi ni Banac na umaasa sila na mas lalo pang mapapalakas ang kampanya lalu pa’t ang pangalawang pinaka mataas na opisyal ng bansa ang namumuno sa kampanya.
Nanawagan naman si Banac sa lahat ng mga pulis na ibigay ang buong paggalang at supporta sa bise presidente sa kanyang bagong katungkulan.