-- Advertisements --

Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) ang kanilang buong suporta kay President-elect Ferdinand “Bong Bong” Marcos Jr., at kay VP-elect Sara Dutert.

Ipinaabot ni PNP Officer in Charge PLt. Gen. Vicente Danao ang kaniyang pagbati sa dalawang nahalal na pinakamataas na opisyal ng bansa.

Ito’y kasunod ng pormal na proklamasyon ng dalawang opisyal bilang susunod na mga pinuno ng bansa kahapon.

Sa isang statement, tiniyak ni Danao ang buong suporta ng 225,000 tauhan ng PNP sa susunod na administrasyon.

Magpapatuloy aniya ang PNP sa pagganap ng kanilang tungkulin na paglingkuran at protektahan ang mamamayang Pilipino.

Siniguro din ni Danao na mananatiling tapat ang buong hanay ng PNP sa konstitusyon, sa watawat ng Pilipinas, at sa “duly constituted authorities”.