-- Advertisements --
PNP CIDG

Mahigpit na tinagubilinan ni PNP Chief, PGEN. Rodolfo Azurin Jr. ang lahat ng mga Police commanders ng pambansang pulisya na bantayan ang kaligtasan st seguridad ng mamamayang Pilipino ngayong panahon ng Semana Santa at Ramadan.

Ito ay sa gitna pa rin ng target ng pambansang pulisya na makamit ang “Zero casualty” sa kasagsagan ng pagdaros ng nasabing mga relihiyosong aktibidad sa bansa.

Ayon kay PNP Spokesperson PCOL Jean Fajardo, sa ngayon at naka-full deployment at heightened alert na rin ang buong hanay ng pulisya at sa katunayan ay nagpakalat na rin aniya ito ng dagdag na police personnel sa mga terminal, airport, at seaport upang tiyakin ang kaligtasan ng mga pasaherong babiyahe patungo sa kani-kanilang mga lalawigan.

Nagtalaga rin ng dagdag na mga police assistance desk para sa mas mabilisang pagresponde ng kapulisyahan kung kinakailangan.

Kaugnay nito ay nagsagawa rin ng personal pag I-inspeksyon sa mga transport hubs sa Metro Manila ang hepe ng NCRPO na si PMGEN Edgar Alan Okubo.

Ito ay bahagi pa rin ng pagtitiyak sa public safety and security sa rehiyon ngayong panahon ng mahal na araw lalo pa’t inaasahan aniya ang pagdagsa ng mga pasahero.

Dito ay mahigpit na ipinag-utos ni okubo sa lahat ng mga police officers sa rehiyon na palaging maging alisto sa pagpapatupad ng kaligtasan at seguridad ng publiko.

Kung maaalala, una nang inilunsad ng PNP ang oplan sumvac o ligtas summer vacation 2023, kung saan aabot sa 77,000 na mga pulis ang ipinakalat nito sa buong pilipinas para sa seguridad ng ating mga kababayan.

Kasabay nito ay nanawagan din si PNP Chief Azurin sa publiko na makipag-cooperate sa mga ipinapatupad na safety measures ng mga otoridad.