Sinimulan na ng PNP na ipatupad ang kanilang Oplan Sumvac o Oplan Summer Vacation 2017.

Ito ay bahagi ng kanilang paghahanda para sa nalalapit na Holy week na inaasahang pagdagsa ng ating mga kababayan sa mga probinsya

Ayon kay P/SSupt. Dionardo Carlos ng PNP PIO, may kaniya kaniyang assignment ang mga National Support Units matiyak lang na ligtas ang ating mga kababayan

Sinabi ni Carlos na sa ngayon ay makikita na sa mga bus terminals ang mga Local na pulis

Kasama din sa mga may mahalagang papel sa Oplan Sumvac 2017 ay ang PNP Maritime group at HPG.

Hiwalay pa ito sa mga sariling security preparations ng mga Regional Police Offices.

Kasama sa mga pangunahing babantayan ng PNP ay ang iba’t ibang mga tourist destinations sa bansa