Nilinaw ni PNP Spokesperson P/Col. Jean Fajardo na walang nangyaring anomalya sa naganap na botohan sa Cotabato City alinsunod sa kumakalat na video ng dalawang pulis na nagpupunit ng mga balota noong Mayo 9.
Ayon kay Fajardo, tapos na ang botohan at sarado na ang mga voting centers nang makuhanan ng video ang naturang mga pulis na nagsilbi umanong special electoral board of inspectors sa naganap na halalan.
Paglilinaw ng opisyal, mga “unused ballots” ang pinunit ng mga ito na kasama din sa alituntuning ibinaba ng Commission on Elections (COMELEC) upang hindi na magamit pa ang mga natirang balota.
Binigyang-diin pa ni Col. Fajardo na sila ay sumusunod sa utos ng Comelec, testigo ang election officer ng punitin ng 2 pulis ang mga balota.
Inatasan kasi ang mga pulis na nagsilbing special board of election inspectors na punitin ang mga ito.