-- Advertisements --

Inatasan ni PNP Chief Gen. Guillermo Eleazar ang lahat ng mga police commanders na naka assign sa mga lugar na mataas ang banta sa terorismo at insurgency na magsagawa ng security assessment at agad magpatupad ng adjustment sa kanilang mga areas of responsibility.

Layon nito na maiwasan ang anumang tangkang pag-atake ng mga teroristang grupo sa komunidad at maging sa mga kampo ng Pulisya.

Inalerto din ni Eleazar ang PNP sa BARMM kasunod ng insidenteng pag-atake ng mga teroristang BIFF sa poblacion ng Datu Paglas, Maguindanao kung saan hanggang sa ngayon nagpapatuloy ang opensiba ng militar.

Sinabi ni Eleazar mahigpit ang kanilang koordinasyon sa kanilang counterpart ang AFP sa kampanya laban sa terorismo at insurgency.

Aniya, suportado ng PNP ang ongoing military operation ng AFP 6th Infantry Divisionsa Maguindanao laban sa BIFF-Karialan faction.

Samantala, kumpiyansa naman si Eleazar na mapalakas at mapaigting pa ni newly-installed PNP-SAF Director BGen. Felipe Natividad ang kanilang kampanya laban sa terorismo, insurgency at iba pang banta sa seguridad.

Nanawagan naman si Eleazar sa mga SAF troopers na manatiling naka focus sa kanilang mandato na panatilihin ang peace and order ng bansa lalo na ngayon at patuloy ang capabality enhancement ng nasabing PNP unit.

Ang SAF ang siyang elite force ng Philippine National Police (PNP).