-- Advertisements --

Nananawagan si PNP Chief Gen. Guillermo Eleazar sa mga kababayan natin na sumunod sa minimum health safety protocol lalo na sa mga magtutungo sa mga vaccination center.
Ang panawagan ni Eleazar ay matapos mabatid na dinagsa ng mga

tao ang vaccination program sa loob ng isang mall sa Paranaque City

dahil nais ng mga ito na maturukan ng Pfizer vaccine.
Ayon kay Eleazar, sa nasabing insidente hindi na nasunod ang social

distancing na malinaw na paglabag sa IATF guidelines at inabot ng

matagal ang mga ito sa pila.
Kaya hiling ng PNP sa publiko, sumunod sa health protocol dahil mataas pa rin ang banta ng Covid-19.

Inatasan na ni PNP Chief ang lahat ng mga police commanders na palakasin ang kanilang police visibility lalo na sa mga lugar na posibleng magkaroon ng mass gathering.

Pinasisiguro ni Eleazar sa mga pulis na nasusunod ang minimum health protocol lalo na sa mga lugar na pinupuntahan ng mga tao kabilang na ang mga vaccination centers.