Patuloy na magbabantay ang Philippine National Police (PNP) upang maiwasan ang hoarding ng oxygen tanks at iba pang medical equipment at supplies.
Ito ang pagtitiyak ni PNP Chief Police General Guillermo Eleazar kasunod nang patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID 19 at pangamba na magkaubusan ng oxygen tanks.
Ayon kay PNP Chief, mahigpit nilang babantayan ang mga mananamantala sa sitwasyon na gagamitin ang pandemya para kumita.
Kaugnay nito, hinihikayat ni Eleazar ang publiko na isumbong sa PNP kung may kilalala silang indibidwal o may nalalamang impormasyon sa mga gumagawa ng hoarding sa oxygen tanks at iba pang medical supplies.
Una nang sinabi ni Health Secretary Francisco Duque na wala pang shortage sa supply ng medical grade oxygen kaya nanawagan din sila sa publiko na iwasan ang hoarding para hindi mangyari ang pinangangamabahan.
Samantala, maliban sa DOH, nakikipag-ugnayan na rin ang PNP sa Department of Trade and Industry tungkol dito.