PNP iloilo
-- Advertisements --

ILOILO CITY – Pinag-iingat ng Philippine National Police (PNP) ang publiko laban sa load scam ng mga taong nagpapanggap na pulitiko sa Iloilo.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Police Executive Master Sergeant Roberto Ellorquez, deputy chief of police sa Leon PNP, sinabi nito na nakatanggap sila ng reklamo na ginagamit ang pangalan ng isang pulitiko upang maghingi ng cellphone load.

Ayon kay Ellorquez, nang tinawagan nila ang nasabing numero, hindi na ito ma-contact.

Nakipag-ugnayan na rin ang mga pulis sa mga store owners na alamin ng mabuti kung lehitimo ang transaksiyon kagaya nang paghingi ng cellphone load.