-- Advertisements --

Mariing itinanggi ng philippine national police na kasalukuyang nasa kustodiya ngayon ng Camp Crame ang puganteng si suspended Bucor chief Gerald Bantag na nauugnay sa kasong pamamaslang sa brodkaster na si Percy Lapid.

Ito ang binigyang-diin ng pambansang pulisya kasunod ng mga reports na dinala si bantag sa camp crame matapos itong sumuko sa mga otoridad.

Sa isang mensahe sa mga mamamahayag ay pinabulaanan ni pnp spokesperson pcol jean fajardo ang naturang impormasyon hinggil sa umano’y pagsuko ni bantag sa tanggapan ni pbgen Mark Pespes na Director ng PNP Headquarters and support service.

Dagdag pa ni Fajardo ay isa isa rin niyang sinuri ang lahat ng mga operating units ng PNP sa Camp Crame at pawang “Negative reports” lamang aniya ang kaniyang natanggap.

Matatandaang si bantag at ang kaniyang Deputy chief na si Ricardo Zulueta ay pinaghahahanap ngayon ng mga otoridad dahil sa kanilang kaugnay sa pamamaslang kay Percy Lapid at gayundin sa middleman na si Jun Villamor.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang ikinakasang manhunt operation ng pulisya laban sa dalawa sa pamamagitan naman ng binuong tracker teams ng pnp.