-- Advertisements --

Tatlo pang police officers sa Metro Manila ang nagpositibo sa Coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Sa isang statement, sinabi ng PNP Health Service (PNPHS) na 112 na ang nadapuan ng virus na mga police personnel.

Sa kalalabas lamang na test results mula sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM) ang tatlong kaso ay kinabibilangan ng 48-anyos na lalaking officer mula sa Parañaque City, 29-anyos na lalaki mula sa San Juan City at 32-anyos na lalaking officer na nakadestino National Capital Region (NCR).

Pero mayroon namang good news dahil 17 police officers na ang naka-recover habang tatlo na ang namatay at 92 naman ang active cases na sumasailalim sa supportive healthcare.

Tinututukan din ng PNPHS ang kanilang 310 personnel na nasa kategoryang probable cases habang 384 personnel namang ang classified bilang suspect cases.

Sa ngayon, 1,063 PNP personnel na ang nakakumpleto ng home quarantine na sumalang sa strict monitoring at medical observation.