-- Advertisements --
image 308

Inaaral na ng Philippine National Police kung paano lalong makatutulong ang mga opisyal ng brgy para mapababa ang homicide cases sa Pilipinas.

Ayon kay PCol Jean Fajardo, tagapagsalita ng PNP, natukoy nilang marami sa mga naitalang homicide cases na naitala sa buong bansa ay nagsisimula sa mga inuman at mga pagtatalo.

Naniniwala aniya ang PNP na makakatulong kung maging aktibo ang mga opisyal ng brgy na pauwiin ang mga nag-iinuman sa mga lansangan sa takdang oras.

Ayon kay Fajardo, kailangan ding maging aktibo ang mga opisyal ng brgy na linisin ang kanilang mga sariling lugar, lalo na at sila ang nakakaalam sa kalagayan ng mga ito.

Maalalang una nang tinukoy ng PNP ang homicide bilang isa sa mga binabantayang krimen sa buong bansa, dahil sa pagtaas ng bilang nito ng hanggang sa sampung porsyento, sa unang kalahating bahagi ng taon.