-- Advertisements --

danao5

Ipinag-utos na ni PNP OIC Chief, PLt.Gen. Vicente Danao Jr ang pag aresto sa SUV driver na sumagasa sa isang security guard sa Mandaluyong City nuong June 5,2022.

Ang pahayag ni Danao ay kasunod ng paglabas ng lookout bulletin ng DOJ at wala pang warrant of arrest na inilalabas ang korte.

Ayon kay PNP OIC chief, may direktiba na siya sa mga police units sa ground na hulihin ang suspek dahil ito ay continuing crime.

Batay sa latest information na natanggap ng PNP mula sa Bureau of Immigration (BI) na hindi pa nakakalabas ng bansa si San Vicente.

Una ng sinampahan ng kasong frustrated murder and abandonment of one’s own victim ng Mandaluyong Police si San Vicente.

Giit ni Danao, ang hindi paglutang ni San Vicente ay patunay na siya ay responsable sa nangyaring hit-and-run.

Ang DOJ ay naglabas ng immigration lookout bulletin order laban kay SanVicente.

Nitong Lunes ang Mandaluyong prosecutors office ay naghain na ng request para sa Immigration Lookout Bulletin Order (ILBO).

Kinumpirma naman ni BI Commissioner Jaime Morente na naka-encode na sa kanilang system ang ILBO laban sa suspek na si Jose Antonio SanVicente.

Sa ngayon nakatutok na ang BI personnel laban sa suspek at mahigpit na mino monitor ang kaniyang presensiya airport at seaport sa buong bansa.

Ayon kay Morente kapag namataan at naenkwentro ng BI ang suspek agad silang makipag ugnayan sa National Prosecution Service, DOJ para matukoy ang kaukulang aksiyon na kanilang gagawin.

Sa ngayon, revoked na ang lisensiya ni San Vicente.

Batay naman sa records ng LTO tatlong beses ng nahuli si San Vicente dahil sa kasong reckless driving nuong 2010,2015 at 2016.

Ang insidente sa Mandaluyong nuong June 5 ay pang limang kaso na ng suspek.