Aprub at “satisfactory” para kay PNP OIC Chief PLt. Gen. Vicente Danao Jr. ang paliwanag na binigay ni Cotabato City Police Director Police Colonel Rommel Javier sa video ng pagpunit ng dalawang pulis sa mga balota na kumalat sa social media.
Batay sa ulat ng Police Regional Office Bangsamoro Autonomous Region (PRO-BAR) nangyari ang insidente sa Datu Ayunan Elementary School, MB Kalanganan, Cotabato City.
Ayon kay Danao, ang naturang mga pulis ay nagsilbing miyembro ng Special Board of Election Inspector (SBEI) sa Clustered Precincts Number 69 (Precinct Numbers 0215A, 0215B, 0215C & 0216A) na awtorisado ni Atty. Nasroding M. Mustapha, Cotabato City Election Officer.
Patay aniya sa paliwanag ng Cotabato PNP, mandato ng mga PNP SBEI na punitin ang mga hindi nagamit na balota sa pagtatapos ng botohan alinsunod sa Comelec Omnibus Election Code – Article 17 ng Section 204.
Ang pagpunit ng mga ballota ay sinaksihan ni Mr. Arfaj-Erven P. Ahmad, ang Designated Election Supervisor Officer (DESO) at watchers ng partidong OneCotabato at UBJP.
Paalala naman ni Danao sa publiko na maging mapanuri sa impormasyong kumakalat mula sa “unverified sources” sa social media upang hindi mabiktima ng “disinformation.”
Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng PRO BAR hinggil sa nasabing insidente.