-- Advertisements --

Mapayapang napigilan ng mga kapulisan ang ilang mga suporters ni Taguig city Mayoralty candidate Arnel Cerafica na nagprotesta sa resulta ng halalan.

Isang oras bago kasi naiproklama ang nanalong alkalde na si Lino Cayetano ay lumusob ang mga suporters ni Cerafica.

Kinukuwestiyon nila ang resulta ng bilangan at nais nilang isapubliko ng mga canvassers ang mga balota.

Base sa lumabas na resulta ng bilangan nakakuha si Cayetano ng 172, 710 na boto habang si Cerafica ay mayroong 108, 050 at si Sonny Boy Andrade ay mayroong 1,326 na boto na nakuha.

Naiproklama ng pasado 10 kagabi si Cayetano bilang alkalde ng nabanggit na lungsod.

Si Cayetano ay kapatid ni dating Foreign Affairs Secratary Alan Peter Cayetano na nagwagi bilang kongresista ng ikalawang distrito ng Taguig.