Naniniwala ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) na mayroong mga kasabawat pa ang bumbero na kanilang naaresto dahil sa pagbebenta ng mga lateral promotions sa Bureau of Fire Protection.
Ayon kay CIDG Anti-Organized Crime Unit Chief Police Colonel Reynaldo Lizardo na mayroong mga inisyal na silang impormasyon ukol sa mga kasabwat ni Fire Officer 1 Ramces Paul Babylon Benipayo.
Patuloy ang kanilang pangangalap ng mga impormasyon kung ilan at sino ang mga tauhan ng BFP na maaring kasabwat ni Benipayo.
Magugunitang inaresto si Benipayo sa isang entrapment of operation sa lungsod ng Muntinlupa.
Humingi umano ito ng P200,000 sa isang bumbero mula sa Western Visayas na pinangakuhan nito na tutulungan para makakuha ng promosyon sa puwesto.










