Nasa P48,000 ang starting pay na alok ng PNP para sa mga bagong abogado na papasok sa police service.
Ayon kay Acting chief Legal Assistance Division Supt. Arthur Llamas ng PNP legal service na kailangan na kailangan ng PNP ng mga bagong abogado.
Sinabi ni Llamas, nasa 96 lang ang abogado ng PNP na nakakalat sa ibat-ibang bahagi ng bansa na kulang na kulang para mabigyan ng sapat na proteksyon ang mga pulis na nakakasuhan.
Kung pupunuin aniya ang lahat ng staffing requirements ng legal service hanggang sa municipal level ay kailangan mayroon silang mahigit 300 abogado.
Mismo aniyang mga senador sa mga isinagawang senate hearings ang nakapansin ng kakulangan ng sapat na legal representation ng mga pulis.
Kaya ipinag-utos ni PNP chief police Director General Ronald dela Rosa na ang agresibong kampanya para mag-recruit ng karagdagang abogado.
Paliwanag ng opisyal na bagamat karamihan sa mga abogado ng PNP ay hindi sumasama sa mga actual na operasyon mas maigi na rin kung mayroong sumasama para matiyak na walang paglabag sa batas na negatibong makakaapekto sa kaso.