-- Advertisements --

tubaran

Nasa 52 insidente ng karahasan ang naitala ng Philippine National Police (PNP) sa mismong araw ng halalan.

Ayon kay PMaj.Gen Jireh Fidel ng Directorate for Investigation and Detective Management (DIDM), kabilang sa mga insidenteng naitala nila ang pamamaril, harrasment, vote buying, paglabag sa gun ban, at pananakit o physical injury.

Sinabi ni Fidel na sa mga nasabing insidente, anim sa mga ito ang nasawi habang 32 ang sugatan.

Kanya namang sinabi na apat sa mga krimen ay itinururing nang suspected election related case.

Samantala, sinabi naman ni PNP OIC LtGen. Vicente Danao na wala ng nakikitang problema ang PNP sa mga rehiyon sa bansa pagdating sa election related incidents.

Nandinigan naman siya na sa kabila ng mga krimen na naitala ay “generally peaceful” pa rin ang eleksyon 2022.

Dahil sa pagtutulungan ng lahat, kaya naging maayos at mapayapa ang halalan ayon kay Danao.