Umabot na sa 27,206 na barangay sa buong bansa ang nalinis mula sa kalakalan ng ilegal na droga.
Batay sa statement na inilabas ng Pambansang Pulisya ng Pilipinas, nagawa ito ng pulisya mula July 2022 hanggang Abril, ng kasalukuyang taon.
Dahil dito, mayroon na lamang 8,332 na barangay na naiiwan sa kategoryang drug-affected Barangays sa buong bansa.
Mula Hulyo, 2022 hanggang nitong buwan ng Abril, nakapagsagawa ang pulisya ng 32,335 anti-illegal drugs operation. Dito ay narekober ang P21.72Billion na halaga ng ilegal na droga.
Sa ilalim ng mga nasabing operasyon, naaresto rin ng pulisya ang kabuuang 44,866 drug personalities. 3,169 sa kanila ay itinuturing na high-value drug personalities.
Pagtitiyak ng Pambansang Pulisya na kakayanin ng pamahalaan na magwawagi sa kampanya nito laban sa ilegal na droga, lalo at makikita umanong nababali na ang ‘backbone’ ng kalakalan ng ilegal na droga sa buong bansa.